
keiko lynn: Embrace Messy Hair. on We Heart It. http://weheartit.com/entry/7352593

(Source: otakulei)
asan na ang SUPER HERO?
Lumalaban ako hindi lang para sa sarili ko, kundi pati na rin sa pamilya ko at ang mga mahal nila sa buhay.
Prino-protektahan ko ang Bayan hindi lang para sa Pamilya ko, kundi pati na rin sa mga kaibigan ko at mga mahal nila sa buhay.
Bina-bantayan ko ang mga kalsada hindi lang para sa mga anak ko, kundi pati na rin sa mga anak ng mga kakilala ko at para sa mga susunod na henerasyon.
Pinagsisilbihan ko ang bayan hindi lang para sa kapangyarihan, kundi para sa mga tunay na bumubuo nito, ang mamamayan.
Matapat ako sa mamamayan hindi para makilala ako, kundi para sabay-sabay namin buuiin ang magandang kinabukasan.
Inaalay ko ang puso ko sa ating bansa at sa mamamayan na nag papatatag sa akin na magampanan ang aking mga obligasyon.
Inaalay ko ang aking katawan bilang pananggalang na handang ibuwis ang buhay maprotektahan lang ang aking bayan.
Pero bakit, bakit tuwing pinoprotektahan ko ang mamamayan ako pa ang may mali?
Gusto niong maprotektahan ngunit ayaw niong protektahan ko kayo. Bakit?
Nakabaril ako ng kriminal. ako pa ba ang makukulong?
Ginawa ko ang aking tungkulin ng matapat at ibinubuwis ang aking buhay ngunit bakit ipanagkakait ninyo saakin ang dapat na katarungan na para saakin?
Ginagawa ko ang tama ngunit sa paningin ninyo ay mali.
Nagsisilbi ako kahit hindi sapat ang aking pangtustos.
Mahal ko ang aking bayan ngunit pinapakita ninyo saakin na wala akong silbi.
Kaya ngayon kung kailan ninyo kailangan ng proteksyon wala na kayong malapitan dahil hindi ninyo ako binigyan ng kahalagahan noong kailan matapat at buong buo ang aking serbisyo.
Mahal ko parin ang aking bayan, kailangan kong muling marining ang inyong tinig na ako’y inyong kailangan. Maramdamang muling ako’y pinagkakatiwalaan.
cute and yummy..
woah!!! gusto ko to… T.T
awesome! masubukan nga..
REALITY SHOWS
Ang reality show daw ay pinapakita ang “riyalidad” ng buhay. Nauuso na ang mga ganitong programa ngayon. Kaso matatawag mo bang “totoong buhay” kapag ALAM mong pinapanood ka ng buong Pilipinas, lalo na ng buong mundo. Sa riyalidad ba pag pinakita mo kung sino ka talaga bibigyan ka din ng premyo? (ayos yun. wala na sanang maghihirap).
Kung gusto nila ng totoong “reality show” maglagay sila ng mga hidden camera sa iba’t ibang bahay ng mga iba’t ibang pamilya ng hindi nila alam (hidden camera nga kulit) un na sa tingin ko ang pinaka REALITY SHOW na hindi maipapalabas sa TV. At sa malamang mag kakakaso-kaso pa pag nangyare. Pero un na ang pinakamagandang “reality show” diba?
-Get REAL!
talino mo brad! :P
Minsan iniisip ko kung tama bang nag-aaral ako… i-mean ung mas marami ka pang natutunan na hindi na dapat. minsan nasisira ka na ng mga nalalaman mo kaya nga nag-tatamad tamaran ako e..
Sa totoo lang, takot ako tumalino. Ung tipong alam mo (hindi naman lahat, imposible) ung alam ng iba na nagbibigay sayo pagkakataong umangat o lumamang sa iba. Tulad ng gobyerno hindi nila masyadong pinagtutuunan ng pansin ang mga mahihirap dahil mas mabuti na wala silang alam, para makalamang at maging makapangyarihan sila. At ito’y marahil ang makakasira sa ating relasyon sa mga taong nasaating paligid.
ang KARUNUNGAN ay marahil ang natatanging sandatang maipamamana saatin ( ng kung sino man ang mag-paaral sa inyo). Ngunit nasaatin ang desisyon kung sa paanong paraan natin ito gagamitin, sa mabuti ba o sa masama.
- hay buhay..

(Source: thatfunnything, via tmmyturner)





